TINATAYANG aabot sa mahigit 1,400 cell towers ang itatayo sa mga susunod na araw para higit pang mapabilis ang internet speed sa bansa.
Ito ay matapos na umabot sa mahigit 1,000 mga permits at clearances para sa pagtatayo ng cell towers ng mga telecommunications companies ang inaprubahan na ng local government units.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Ano, nasa 1,171 telecommunication permits ang inaprubahan na para mas mapaganda pa ang telecommunications services lalo na at nasa gitna ng pandemya ang bansa habang nagsimula na rin ang online classes para sa milyon milyong mag-aaral.
Sinabi ng kalihim na tumalima ang mga LGU sa utos ng Pangulo ng Duterte na bilisan ang pagproseso sa mga permits na kailangang tumagal lamang ng 16 na araw.
Nabatid na bukod sa mahigit isang libong telecommunication permit na naaprobahan na ay may 428 pending applications ang natira at pinoproseso na.
Inihayag ng kalihim na nasa digital world na ang lahat kaya kailangan na talaga ang construction sa mga cell towers dahil puro online na ang mga classes ngayon.
“The world and the country have gone digital. We really need to look into the construction of more towers because school setups are mostly online classes…So I hope all other LGUs will follow,” anang kalihim. VERLIN RUIZ
Comments are closed.