NAKAPAGTALA na ng 141 sa 201 barangays sa lungsod ang lokal na pamahalaan ng Pasay na matatawag COVID-19 free na base sa rekord na inilabas ng City Health Office (CHO).
Sinabi ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubinao na sa kabuuang 201 barangay sa lungsod, may natitira na lamang na 60 barangays ang may mga aktibong kaso ng COVID-19.
Ayon kay Calixto-Rubiano, base sa record ng CHO ay may natitira na lamang na 131 pasyente ang may aktibong kaso ng COVID-19 habang mayroon namang 5,735 pasyente ang nakarekober na sa naturang virus o katumbas ng 95.11 porsiyento.
Base sa huling datos ng CHO, ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 ay 6,030 habang 164 naman ang namamatay.
Sa 60 barangays na may natitirang aktibong kaso ng COVID-19 ay pinangungunahan ng Barangay 183 ang may pinakamarami pang aktibong kaso ng naturang virus sa bilang na 24 habang sinundan naman ito ng Barangay 116 na may 8 kaso samantalang ang Barangay 191 ang pumangatlo na may bilang na 6 at pumang-apat naman ang Barangay 31 at Barangay 201 na parehong may tig-5 aktibong kaso ng COVID-19.
Ang iba pang barangay na nananatiling may aktibong kaso ng COVID-19 ay nakapagtala na lamang ng isa hanggang sa 4 na kaso ng virus. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.