141ST MALASAKIT CENTER, INILUNSAD SA ILOILO CITY

BIRTUWAL na dumalo si Senador Christopher “Bong” Go sa pagbubukas ng Malasakit Center sa West Visayas State University Medical Cen­ter sa Jaro, Iloilo City noong Huwebes, Setyembre 16, at bilang chairperson ng Senate Committee on Health and Demography at principal author ng Malasakit Centers Act, tiniyak niya sa mga Pinoy na higit pa nilang paghuhusayin ang access ng mga Pinoy sa serbisyong pangkalusu­gan, sa gitna ng pan­demya ng COVID-19 sa bansa.

Ang  pang-141st na Malasakit Center sa bansa ay pang-apat naman sa rehiyon, bilang karagdagan sa Malasakit Centers na matatagpuan sa Western Visayas Medical Center sa Iloilo City; Don Jose Monfort Medical Center Extension Hospital sa Barotac Nuevo; at Western Visayas Sanitarium sa Sta. Barbara, na una nang inilunsad kamakailan.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Go na ang pagtatayo ng mga Malasakit Centers sa bansa ay bahagi ng commitment ng admi­nistrasyong Duterte para mailapit pa ang pamahalaan sa mga mamamayan at mapaghusay pa ang kanilang access sa public healthcare system, partikular na ang mga mahihirap at mga indigent.

“Isa sa mga first five na Malasakit Center ay diyan po mismo sa Iloilo City… at noong naging Senador po ako, isinulong ko ito sa lehislatibo, pinirmahan ni Pangulong Duterte noong 2019, at ganap na batas na po ito ngayon,” ani Go.

Pagbabahagi pa ni Go, sa mahigit 20 taon niya sa public service, personal niyang nasaksihan ang hirap na pinagdaraanan ng mga underserved patients upang makakuha ng atensiyong medikal, na siya aniyang nagtulak sa kanya upang buksan ang kauna-unahang Malasakit Center sa Cebu City noong 2018.

Bilang isang one-stop shop, layunin ng center na gawing simple na lamang ang proseso nang pagre-request ng medical-related assistance mula sa pamahalaan.  Ang concerned agencies ay may mandato na tulungan ang mga pasyente at bawasan ang kanilang hospital bills hanggang sa pinakamababang halaga na posible, sa pamamagitan nang pagko-kober ng iba’t ibang patient services at fees.

Ang mga partner agencies nito ay ang Department of Social Welfare and Development, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Phili-pine Charity Sweepstakes Office.

“Lapitan niyo lang po ang Malasakit Center, ‘pag may balanse kayo at hindi niyo na kailangan mangutang at mag-sangla, lapitan niyo lang po ang Malasakit Center para po ‘yan sa mga poor and indigent patients, tutulungan po kayo,” pagpapatuloy pa niya.

Kasabay nito, nagpahayag rin ng pasasalamat si Go sa mga medical frontliners na patuloy na nagsusumikap at nagsasakripisyo upang matiyak na ang kanilang komunidad ay ligtas mula sa banta ng coronavirus.

Tiniyak pa niya na sa joint efforts ng Department of Health (DOH) at ng kanyang tanggapan, maglalaan sila ng kinakailangang pondo upang higit pang mapaghusay at masuportahan ang West Visayas State University Medical Center.

Muli rin siyang nanawagan sa mga mamamayan na magpabakuna na upang maprotektahan laban sa COVID-19.

“Napatunayan naman po sa datos. If you are vaccinated, you are protected. Sa mga 17 million mahigit na Filipinos na fully vaccinated, napakaliit na por­syento lang ang nag-severe cases o namatay. So kung mahal ni’yo po ang inyong mga anak at inyong mga pamilya, please lang magpabakuna na kayo,” aniya pa.

Matapos ang okasyon, namahagi rin ang grupo ni Go ng mga pagkain, masks, face shields, at vitamins sa may 118 patients at 1,180 medical frontliners sa lugar.

8 thoughts on “141ST MALASAKIT CENTER, INILUNSAD SA ILOILO CITY”

  1. 570583 410806Keep up the great piece of work, I read few blog posts on this internet internet site and I believe that your website is real fascinating and has lots of fantastic data. 612031

  2. 746777 91368thaibaccarat dot com could be the very best internet site to study casino games : like baccarat, poker, blackjack and roulette casino 801793

  3. 417132 827664Oh my goodness! a fantastic write-up dude. Thanks a whole lot Nonetheless We are experiencing trouble with ur rss . Do not know why Not able to sign up to it. Possibly there is anybody obtaining identical rss difficulty? Anyone who knows kindly respond. Thnkx 415523

  4. 825340 715406This really is the suitable blog for anybody who needs to seek out out about this topic. You notice so a lot its virtually laborious to argue with you (not that I truly would wantHaHa). You undoubtedly put a brand new spin on a subject thats been written about for years. Excellent stuff, just fantastic! 916584

Leave a Reply

Your email address will not be published.