14,286 DAGDAG NA KASO NG COVID-19

INIULAT  ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng karagdagang 14,286 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa Setyembre 30, 2021.

Base sa case bulletin #565 ng DOH, nabatid na dahil sa mga naturang bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon ang total COVID-19 cases sa bansa sa 2,549,966.

Sa naturang bilang, 5.4% o 138,294 pa ang aktibong kaso o nagpapagaling pa.

Sa aktibong kaso, 77.7% ang mild cases, 15.8% ang asymptomatic, 3.72% ang moderate, 2.0% ang severe at 0.9% ang kritikal.

Nakapagtala rin naman ang DOH ng 8,268 pasyente na gumaling na dahil sa virus sanhi upang umakyat na sa 2,373,378 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 93.1% ng total cases.

Samantala, may 130 pasyente pa ang iniulat na sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa COVID-19 kaya’t sa kabuuan, umaabot na sa 38,294 na ang COVID-19 death toll sa bansa o 1.50% ng total cases.

Ayon sa DOH, mayroong 52 duplicates ang inalis nila mula sa total case count, kabilang dito ang 38 recoveries.

Mayroon ding 81 kaso ang unang tinukoy bilang recoveries, ngunit malaunan ay natuklasang namatay na pala sa pinal na balidasyon.

“All labs were operational on September 28, 2021 while 4 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 4 non-reporting labs contribute, on average, 0.2% of samples tested and 0.1% of positive individuals,” anang DOH.

“Nationally, we saw a 10% decrease in tests done this week compared to the previous week, meanwhile decline is also more evident in NCR (National Capital Region) with a 14% decrease. Note as well that the testing output today in NCR is lower than the 7day moving average of test done in the region. The DOH is investigating possible reasons for the decline in testing output and is in constant coordination with local government units,” anito pa. Ana Rosario Hernandez

6 thoughts on “14,286 DAGDAG NA KASO NG COVID-19”

Comments are closed.