NAKAKUHA ang Filipinas ng kabuuang $143.58 bilyong halaga ng business deals mula sa mga kompanya sa Israel at Jordan sa pagbisita roon ni Presidente Rodrigo Duterte.
Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, ang mga Filipino at Jordanian firm ay lumagda sa $60.68 bilyong halaga ng deals, kabilang ang memorandums of agreement at letters of intent, sa isang business forum na organisa ng ahensiya sa Amman noong Huwebes.
Inaasahang magreresulta ang mga ito sa economic cooperation sa pagitan ng Manila at Amman sa logistics, mobile-related service solutions, robotics, at information and communications technology sectors.
“This visit is a milestone for both countries, especially in the areas of trade and investments. It is paving the way to attract investments from a non-traditional partner and encourage more businesses from both countries to explore economic opportunities,” wika ni Lopez.
Ang pinakamalaki sa tinatarget na proyekto sa bansa ay mula sa Nafith International, isang logistics planning at operations provider.
Sinabi ni Lopez na puntirya ng Jordanian firm na magkaroon ng regional office sa Filipinas, kung saan mag-iinvest ito ng $50 million.
Nais din ng Universal Labs Ltd. na magtayo ng manufacturing facility para sa Dead Sea products sa bansa na ie-export sa iba pang Asian markets.
“We would like to keep the momentum and hype up the interest level of companies to engage and join our growth story. We look forward to this expanded relationship with Jordan that will result in deeper cooperation not only in trade but also on the exchange of best practices on new technologies and business process management,” ani Lopez.
Bago nagtungo sa Jordan ay sinaksihan din ni Pangulong Duterte ang paglagda sa $82.9-milyong halaga ng business agreements sa pagitan ng Filipinas at ng Israel. PNA
Comments are closed.