PANIBAGONG 145 pasyente ang naitalang gumaling mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Filipinas sa nakalipas na magdamag lamang.
Sa inilabas na bulletin ng DOH alas-4:00 ng hapon ng Mayo 13 ay may panibagong 145 recoveries na dahilan kaya umaabot na ngayon sa kabuuang 2,251 ang bilang ng COVID patients na gumaling sa bansa.
Nakapagtala rin ang DOH ng 268 bagong kaso ng sakit sa nakalipas na 24-oras.
Nasa kabuuang 11,618 na ang confirmed COVID-19 infections sa bansa hanggang ngayong Mayo 13.
Mula sa National Capital Region (NCR) naitala ang 165 (61%) sa mga bagong kaso, 58 (22%) dito ay mula sa Region 7 habang ang 45 (17%) new cases ay mula naman sa iba pang panig ng bansa.
Nasa 772 naman ang kabuuang bilang ng nasasawi sa COVID-19 sa Filipinas matapos na makapagtala ng 21 pasyente na binawian ng buhay dahil sa mabagsik na virus.
Comments are closed.