MAY 145 pang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang Enero 24, nasa 24,518 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Pinoy mula sa 106 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 8,580 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Iniulat na 39 ang bagong gumaling kung kaya 14,480 na ang overseas Filipinos na gumaling o nakalabas na sa ospital.
Nanatili pa rin sa 1,458 ng COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad makaraang wala namang bagong napaulat na nasawi.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na overseas Filipino sa bahagi ng Middle East/Africa na may 13,307 na kaso.
Sumunod ang Europa na may 3,653 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 1,076 naman ang kaso sa Americas at 6,482 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa apektado ng pandemya. EQ