NASA 1,485 ang panibagong napaulat na kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes, Nobyembre 19, pumalo na sa 2,823,210 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Umabot sa 23,200 o 0.8 porsiyento ang aktibong kaso.
Nasa 59.6 porsiyento sa active COVID-19 cases ang mild; 3.8 porsiyento ang asymptomatic; 19.56 porsiyento ang moderate; 12.0 porsiyento ang severe habang 5.1 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 277 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 46,698 o 1.65 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 1,393 naman ang gumaling pa sa COVID-19 kaya umakyat na sa 2,753,312 o 97.5 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.