14K PARAK IPINAKALAT PARA SA TRASLACION – NCRPO

INIHAYAG ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Huwebes na nagtalaga ito ng 14,000 tauhan bilang paghahanda para sa Kapistahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno sa Enero 9, 2025.

Base sa NCRPO, nagtalaga ito ng kabuuang 12,168 tauhan para sa area and route security at nakatanggap ng ka­ragdagang 2,306 tauhan mula sa partner agencies.

Dinala nito ang kabuuang bilang sa 14,474 tauhan.

Popular na bahagi ng pagdiriwang ang Tras­lacion o ang prusisyon ng 400-taong gulang na imahe ni Jesus mula sa Quirino Grandstand hanggang sa Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno (Quia­po Church).

Nauna nang nagbabala ang simbahan sa mga deboto ukol sa mga scam bago ang kapistahan.

Milyon-milyong deboto ang dumaragsa sa Quiapo Church tuwing Enero 9 upang para­ngalan si Jesus Nazareno sa pag-asang diringgin ang kanilang panalangin o makatatanggap ng himala.

EVELYN GARCIA