14K PASAHERO PINIGIL SA NAIA

BI

UMAABOT na  sa 14,000 mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pi­nigil ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa loob ng limang buwan sa taong ito, ito ay resulta ng walang hum­pay na kampanya ng mga ito laban sa human trafficking.

Ayon sa report na nakarating sa opisina ni Immigration Commissioner Jaime Morente mula kay BI OIC Deputy Commissioner Marc Red Mariñas,  ang mga  nasabing  pasahero ay na-off load mula Enero  hanggang Mayo  at sila ay mga biktima ng human trafficking

Kasama sa 14,000 ang 170 na pasahero na hindi pinaalis sa NAIA dahil  sa naging kwestiyonable ang kanilang mga papeles at 67 mga menor de edad na nagkunwaring mga matatanda.

Na-off load din ang 19 na pasahero nitong Hun­yo  na  pinaniniwalaan na mga biktima rin ng human trafficking at  kasaluku­yang nasa pangangalaga sa opisina ng IACAT.

Sinabi pa ni Morente, na natigil na rin ang modus ng international syndicate sa paggamit ng NAIA bilang transit point sa kanilang smuggling ng illegal aliens patungo sa Canada, United States at iba pang bansa sa Asya.    FROI MORALLOS

Comments are closed.