KINUMPIRMA ng Province Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) na nasa 14,000 empleyado na ng provincial bus companies ang nawalan ng trabaho dulot ng epekto ng COVID-19 pandemic.
Ang pahayag ay ginawa ni PBOAP Executive Director Alex Yague matapos na ianunsiyo ng Victory Liner ang pagtanggal sa may 400 nilang empleyado.
Ayon kay Yague, karamihan sa mga tinanggal sa provincial bus companies ay support staff.
May mga miyembro na rin, aniya, sila na pinapayagan ng Department of Transportation (DOTr) na bumiyahe subalit 50% lamang ng kapasidad ng bus ang kailangang isakay para maobserbahan ang social distancing.
Sinabi ni Yague na bagaman walang kikitain ang kompanya sa 50% capacity, nagpatakbo na rin sila ng mga bus para may kitain ang kanilang mga driver at konduktor sa halip na magmula pa sa bulsa ng may-ari ang ayuda para sa kanila. DWIZ 882
Comments are closed.