(14M Pinoy baka malagay sa peligro) US NABABAHALA SA RECLAMATION PROJECT SA MANILA BAY

NABABAHALA ang US Embassy sa kaugnay sa reclamation project na ginagawa sa Manila Bay na posibleng magbigay ng masamang epekto sa hinaharap.

Bukod sa posibleng isyung pangseguridad ay duda rin ang Amerika sa posibleng epekto nito sa mga darating na panahon kabilang na ang mga isyu na may kinalaman sa kapaligiran.

Ayon kay US Embassy Spokesperson Kanishka Gangopadhyay, palagian ang kanilang pakikipag-ugnayan sa gobyerno ng Pilipinas bunsod ng posibleng negatibong epekto ng mga proyektong sa kapaligiran, katatagan ng Manila Bay at karatig na lugar gayundin sa negosyo.

Isa pa sa pangunahing punto ng US ay kasama ang China Communications Construction Co. sa US Department of Commerce Entity List dahil sa papel nito na tumulong sa Chinese military na magtatag ng militarized artificial islands sa may West Philippines Sea (WPS).

Bukod pa rito , ang naturang kompanya ay tinukoy ng World Bank at Asian Development Bank na sangkot sa fraudulent business practices.

Pinangangambahan ng United States government ang umanoy “potential negative long-term and irreversible impacts to the environment, the resilience to natural hazards of Manila and nearby areas, and to commerce.”

“We are also concerned that the projects have ties to the China Communications Construction Co., which has been added to the U.S. Department of Commerce’s Entity List for its role in helping the Chinese military construct and militarize artificial islands in the South China Sea. The company has also been cited by the World Bank and the Asian Development Bank for engaging in fraudulent business practices,” ayon sa inilabas na pahayag ni Gangopadhyay.

Tinangkang kunan ng pahayag ang Chinese embassy hinggil sa isyu subalit wala pang inilabas na pahayag ang Chinese officials.

Maging ang Department of the Environment and Natural Resources (DENR) ay nagpahayag ng kanilang pangamba.

Dapat umanong ikonsidera ang kinatatakutang “Big One” o 7.2 earthquake o higit pa at banta ng tsunamis sa kanilang reclamation projects.

“On the geological hazards: So far ang nakikita ko pa ngayon in terms of the studies I have looked at for reclamation projects is the reference on the 7.2 movement sa West Valley Fault,” ani Environment Secretary Toni Yulo Loyzaga .

“Kailangan umanong tingnan ang pagtaas ng sea level rise at ibat ibang geological events. Trenches and faults are two earthquake generators that can generate tsunamis,” ayon naman sa Phivolcs dahil ilalagay nito sa sa peligro ang buhay ng may 14 milyong Pilipino .

Nabatid sa Philippine Reclamation Authority na may 22 reclamation projects ang nakalatag sa ngayon sa Manila Bay.
VERLIN RUIZ