TINIYAK ni Senate President Vicente Sotto III ang agarang pagpasa sa panukalang 14th month pay ng mga manggagawa sa pribadong sektor.
Sinabi ni Sotto na nais niyang kaagad makalusot ang nasabing panukala sa susunod na buwan.
Ipapa-follow-up muli nito kay Senador Joel Villanueva, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, ang nasabing panukala na magbibigay naman aniya ng exemption sa ilang pribadong kompanya.
Naniniwala si Sotto na kayang-kaya ipatupad ang 14th month pay dahil maraming kompanya ang may kapasidad na ibigay ito.
Magugunitang pinalagan ng grupo ng mga negosyante ang panukala.
Katuwiran ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) na hindi kakayanin ng mga maliliit na negosyo ang nasabing dagdag na gastos sa kanilang hanay.
Sa ilalim ng Senate bill ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, lahat ng mga rank-and-file employees na nakapagbigay na ng isang buwang serbisyo sa isang kompanya ay dapat bigyan ng 14th month pay o ang katumbas na isang buwang suweldo ng manggagawa.
Comments are closed.