14TH MONTH PAY PINAG-AARALAN NG DOLE

BUKAS  ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa panukalang batas na inihain sa Senado hinggil sa pagkakaloob ng 14th month pay sa mga empleyado sa pribadong sektor.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ikokonsulta nila ito sa labor at management upang maikonsidera ang interes ng magkabilang-panig, gayundin ang impact ng panukala sa economic stability ng bansa.

“The President is consulting with our economic advisers. We at DOLE are also consulting with both the labor and management on the feasibility of the 14-month pay to workers. In other words, there is willingness and openness in the proposal for the 14-month pay,” ani Bello.

Matatandaang nakasaad sa Senate Bill No. 2, o “An Act Requiring Employers in the Private Sector to Pay 14th Month Pay” ay inihain ni Senate President Vicente Sotto III at nakabinbin sa Senado noon pang Hulyo 2016.

Sinabi naman ng kalihim na kinakailangan pa nilang pag-aralan ang panukalang batas upang makapagbigay ng posisyon hinggil dito, depende sa resulta ng konsultasyon.

“The proposed 14-month pay for our private workers is a huge help for their families. It’s extra earnings to cope them with the rising inflation but we also have to consider a lot of factors,” paliwanag pa ni Bello.  ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.