15-ANYOS NA OUT OF SCHOOL YOUTH SINAKSAK NG KAWATAN

Sinaksak

LAGUNA – NASA  maayos ng kalaga­yan sa Laguna Medical Center (LMC) ang 15-anyos na lalaking out of school youth matapos magtamo ng dalawang saksak sa kanyang katawan makaraang pagsasaksakin ng riding in tandem suspects sa Brgy. Poblacion 3, bayan ng Sta. Cruz.

Kinilala ni PLt. Col. Armie Agbuya, hepe ng pulisya ang biktimang si alyas “Boy” ng bayan ng Pagsanjan.

Samantala, patuloy na kinikilala ni Agbuya at ng kanyang mga tauhan ang dalawang suspek kung saan mabilis na tumakas patungo ng kabayanan makaraan ang insidente lulan sa isang motorsiklo.

Sa imbestigasyon, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang maganap ang naturang insidente habang  papauwi na umano ang biktima matapos kumain ng lugaw sa lugar nang biglang sumulpot ang mga suspek bago inundayan ng saksak ng isa sa mga ito.

Dahil dito, nagawa pang makatakbo papalayo sa lugar ang biktima kung saan nagtamo ng saksak sa kanyang leeg at sikmura.

Kaugnay nito, patuloy na inaalam ng pulisya ang posibleng motibo sa krimen at agarang pagkakakilanlan sa mga suspek sa pamamagitan ng kuha sa CCTV sa lugar. DICK GARAY

2 thoughts on “15-ANYOS NA OUT OF SCHOOL YOUTH SINAKSAK NG KAWATAN”

  1. 891957 963238Aw, this was a actually nice post. In concept I wish to put in writing like this in addition – taking time and actual effort to make an outstanding article however what can I say I procrastinate alot and not at all appear to get something done. 397587

Comments are closed.