15 BEBOT NAISALBA SA PROSTITUSYON

prostitusyon

RIZAL – LABINLIMA kababaihan kasama ang limang menor ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Women and Children Protection Center sa isang KTV Bar sa Cainta.

Nadakip sa entrapment operation ang mga suspek na sina Jun Espiritu at Yvonne Mahinay.

Nakuha sa kanila ang P9,000 na halaga ng marked money bilang kabayaran dapat sa dalawang menor de edad ng dalawang pulis na nagpanggap na kostumer.

Ayon kay Chief Supt. William Macavinta, hepe ng PNP-WCPC, ang dalawang suspek na bugaw ay iniaalok ang mga babae sa mga parokyano ng KTV bar para dalhin sa kalapit na motel.

Nasa pagitan ng P3,000 hanggang P8,000 ang ibinabayad sa bawat babaeng mailalabas.

Katwiran ng dalawang suspek, tinutulungan lamang nila ang mga babae na kailangan umano ng pambayad sa tuition.

Ang dalawang suspek ay sasampahan ng reklamong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 at Anti Child Abuse Law.  AIMEE ANOC

Comments are closed.