15 BINONDO ESTABLISHMENTS PINAGPAPALIWANAG

BINONDO ESTABLISHMENTS

NAGPALABAS ang Social Security System (SSS)  ng show-cause orders laban sa 15 business establishments sa Binondo, Manila bilang bahagi ng kampanya laban sa mga employer na hindi nagre-remit ng contributions ng kanilang mga empleyado sa pension fund.

Ayon kay SSS Senior Vice President for NCR Ope­rations Jose Bautista, ang nasabing mga establisimiyento ay hindi rin nakarehistro bilang employers.

“Dahil hindi sila re­gistered as employers, hindi nila nire-remit ‘yung contribution nila for their emplo­yees,” ani Bautista.

“As employers they should comply with the law and remit their employees’ premium to the pension fund.”

Ang mga operasyon sa Binondo ay bahagi ng Run After Contribution Evaders (RACE) campaign ng pension fund.

Ani Bautista, ang nabanggit na mga establisimiyento ay binigyan ng sapat na panahon para sumunod sa batas bago inisyuhan ng show-cause orders (SCOs).

Ang mga establisimiyento ay pinagpapaliwanag sa loob ng 15 calendar days kung bakit hindi sila dapat patawan ng legal action dahil sa hindi pagsunod sa Republic Act No. 11199 o ang Social Security Act of 2018.

Comments are closed.