15 COPS APEKTADO RIN NG KANLAON ERUPTION

LABINGLIMANG pulis at pamilya nito ang apektado rin ng pagsa­bog ng Kanlaon Volcano, ayon sa datos ng Philippine National Police (PNP).

Sa nasabing bilang, walo ay residente ng ba­yan ng La Carlota habang pito ay sa Puentevedra.

Aabot naman sa 370 pulis ang direktang umaagapay sa mga lumikas dahil sa pagputok ng bulkan na Negros Occidental.

Hanggang nitong Miyekules, pumalo na 3,820 pamilya 0 mahigit 12,000 indibidwal ang nagsilikas at pinangangambahang nadagdagan pa ang mga ito.

Aabot naman sa 25 ang evacuation centers ang tinutuluyan ng mga bakwit.

Sa utos naman ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, na paigtingin ng mga pulisya ang pagbabatantay sa mga tahanang iniwan ng mga evacuee upang hindi makasalisi ang mga mananamantala.

Inalala rin ni Marbil ang mga pulis na apektado ng pagputok ng kala­midad at gaya ng pag-alalay sa mga iba pang biktima ng pagputok ay tutulungan din ang mga ito.

Panawagan ng PNP sa mga residenteng malapit sa bulkan na huwag munang babalik hanggang hindi pa nagbibigay ng go signal ang Phivolcs upang makaiwas sa disgrasya.

EUNICE CELARIO