CAMP AGUINALDO – NAGKASUNDO ang pamahalaan at ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) peace negotia-tors na magpairal ng 15-day nationwide ceasefire ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Kahapon ng umaga ay pinakalat na ang isang joint statement ng mga peace panel ng gobyerno at NDFP kaugnay sa paiiraling pansamantalang tigil putukan. .
Base sa kalatas, magsisimula ang ceasefire sa Disyembre 23, 2019 ng 12 ng hating gabi hanggang January 9, 2020 ng 11:59 ng gabi
Ayon naman sa ilang highly place sources sa gobyerno, posibleng sa susunod na buwan ng Enero ng bagong taon ay magtutungo sa The Neth-erlad ang panel ng grupo para talakaying ang resumption ng nausyaming peace negotiation.
Magugunitang may tatlong mambabatas ang nagpahayag ng kanilang panawagan para sa panunumbalik ng usapang pangkapayapaan sa maka-kaliwang hanay na ipinagmalaki pa ni Communist Party of the Philippines Founding chairman Jose Maria Sison.
Ang pinalabas na joint statement, sa panig ng Philippine government ay pirmado nina Sec. Silvestre Bello III, Secretary ng Department of Labor (DOLE) at Hernani Braganza dating Kalihim at Authorized Negotiator ng Philippine government.
Habang sa panig ng NDFP, pinirmahan ito ni Luis Jalandoni, Senior Adviser, NDFP Negotiating Panel at Fidel Agcaoili, Chairperson, NDFP Negotiating Panel.
Tumayo namang testigo o witness si Kristina Lie Revheim, Third Party Facilitator ng Royal Norwegian Government.
Una ng iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na wala silang balak na magpatupad ng holiday truce laban sa CPP-NPA.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, laging talo ang pamahalaan sa tuwing magdedeklara ng ceasefire dahil sinasamantala ito ng makakaliwang hanay para magpalakas ng kanilang puwersa bukod pa sa tahasan nilang paglabag sa tigil putukan.
Gayunman, handa naman ang tropa ng pamahalaan na tumalima sa kautusan ni pangulong Rodrigo Duterte. VERLIN RUIZ