QUEZON CITY – ARESTADO ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ng pamumuno ni Direc-tor, Police Brigadier General Joselito Esquivel Jr., ang 15 drug suspects sa pagpapatupad ng search warrant laban sa mga ito habang P156,400 halaga ng shabu ang nasamsam sa lungsod na ito.
Ayon kay PBGEN Joselito Esquivel Jr. ang naturang joint operatives ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa ilalim ni PMAJ Edward Cantano at PDEA-NCRO sa pangunguna ni Intelligence Agent 5 Mary Lyd M. Arguelles matapos ipatupad ang search warrant No. 5818, na inisyuni Hon. Executive Judge Cecilyn Burgos–Villabert at bandang alas-7:30 ng umaga, Abril 29, 2019, sa informal settler’s compound, sa Brgy. Apolonio Samson.
Puntirya ng search warrant sina Eduardo Banawon, Brizo Buenafe, Joseph Oreta, alyas Gerald, Johnny Johnson, Joseph Valenzuela, Jemor Hilario, Romeo Llego, Jay-ar Usmad, Ana Rose Beltran, Rizaldo Lopez, Nino Tariman, Gaddyboy Buenafe, Michael Cagadas, at nasagip ang isang 15-anyos na lalaki na kapwa mga residente ng Brgy, Apolonio Samson at nakumpiska ang 47 piraso ng shabu na tinatayang nasa P156,400.
Ayon pa sa ulat si Banawon at Buenafe ay kilalang drug pushers sa nasabing lugar na siyang naging dahilan ng aplikasyon para sa naturang search warrant.
Habang ang mga suspek ay itinurn over sa PDEA RO-NCR. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.