15 FOREIGNER NA MAY ASAWANG PINAY ‘DI PINAYAGANG MAKAPASOK SA PINAS

grifton medina

HINDI na pinayagang makapasok ng bansa ang 15 foreign national na may mga asawang Filipina nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Bureau of Immigration NAIA Ports Operation Division chief Grifton Medina, mula noong Agosto 19, ang mga pasahero na kinabibilangan American national, European, South Koreans, at African ay nagpakita lamang ng mga marriage certificate at bigong kumuha ng visa bago pumunta ng Filipinas.

Ang mga dayuhan ay pinayuhan na kumuha ng visa sa Philippine Consulate sa abroad upang payagan silang makabalik sa Filipinas at makasama ang kanilang pamilya dito sa bansa.

Sinabi ni Medina, sa kabila ng mga advisory inilabas ng BI sa website at social media account marami pa ring nagkakamali o naguguluhan tungkol sa mga pagbabago sa mga paghihigpit sa paglalakbay na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force on emerging Infectious Disease (IATF -EID).

Binigyan diin nito, na hindi sapat ang marriage certificate na ipakita ng mga foreign national na nakapangasawa ng Pinay para makapasok dito sa Filipinas.

Pinayuhan din ang mga airline  ompany na sumunod sa resolusyon ng IATF dahil responsibilidad din nilang ipaalam sa kanilang mga dayuhang pasahero tungkol sa mga kinakailangan visa bago sila payagan mag-book at sumakay sa kanilang mga flight patungo ng Filipinas. LIZA SORIANO

7 thoughts on “15 FOREIGNER NA MAY ASAWANG PINAY ‘DI PINAYAGANG MAKAPASOK SA PINAS”

  1. 944386 155941A person necessarily lend a hand to make severely posts Id state. This really is the quite 1st time I frequented your internet page and to this point? I surprised with the analysis you made to make this particular submit extraordinary. Magnificent procedure! 223902

  2. 294250 852591I was curious if you ever considered changing the structure of your site? Its very well written; I love what youve got to say. But maybe you could a little more in the way of content so people could connect with it better. Youve got an awful lot of text for only having 1 or two pictures. Maybe you could space it out better? 737527

Comments are closed.