CAVITE – UMAABOT sa 15 mangingisda na lulan ng dalawang bangkang de motor na sinasabing nagsasagawa ng illegal fishing ang nalambat ng pinagsabit na puwersa ng Phil. Coast Guard at Bantay-Dagat team sa shoreline ng Brgy. Labac sa bayan ng Naic sa lalawigang ito.
Base ulat ng Phil. Coast Guard, unang nasabat ang pitong mangingisda na pawang residebte ng Brgy. Wawa sa bayan ng Rosario at lulan ng bankang de motor na “Allen 1” na gumagamit ng prohibited fishing method tulad ng air compressor sa karagatang sakop ng munisipalidad ng Naic.
Samantala, sumunod na nasakote ang walong mangingisda na pawang nakatira sa Brgy. Amaya 5, bayan ng Tanza, Cavite at lulan ng bankang “Askie dale” na nagsasagawa ng illegal fishing o trawl fishing o galadgad sa nasabi ring karagatan.
Nabatid na lumabag din sa maritime safety violation ang nasabing bangka dahil expired na ang ship station license, walang mga fishing vessel safety certificate, certificate of Phil. Registry, walang boat captain license, walang boat engineer licence at iba pa.
Kasakukuyang nasa impounding area sa Brgy. Bucana Malaki sa bayan ng Naic, Cavite ang dalawang bancang de motor para sa proper documentation.
Habang ang 15 mangingisda naman na isinailalim sa physical exam ay nasa maayos na kalusugan at sasampahan ng kaukulang kasong paglabag sa Municipal Ordinance No. 12 series of 2018. MHAR BASCO