15 KATAO SANGKOT SA DRUG TRADE

DRUGS

CAVITE – UMAABOT sa 15 katao na sinasabing may kaugnayan sa drug trade ang nasakote ng mga awtoridad sa ikinasang magda­mag na buy bust ope­ration sa anim na ba­yan at tatlong lungsod sa lalawigang ito.

Base sa police report na naisumite sa Camp General Pantaleon Garcia, ang mga naarestong suspek ay nasa drugs watchlist ng pulisya at isinasailalim sa tactical interrogation.

Sa isinagawang sunod-sunod na buy bust operation ay tatlong suspek sa drug trade ang naaresto sa bahagi ng Barangay Zone 1A sa Dasmariñas City habang tatlo rin sa Barangay Halang sa bayan ng Naic.

Dalawa naman sa Barangay Anuling sa bayan ng Mendez at dalawa sa Barangay Molino 2 sa Bacoor City habang tig-isa naman sa mga Barangay Aplaya, Kawit; Barangay Julugan, Tanza; Barangay 30 sa Cavite City; Barangay Talon sa bayan ng Amadeo; at sa Barangay Narra 1 sa bayan ng Silang.

Hindi na nakapalag ang mga drug peddler na nasakote kung saan nasamsam ang ilang plastic sachets na shabu, drug parapherna-lia, at marked money na ginamit sa drug operation.

Kasalukuyang nagpapatuloy ang drug operation sa ilan pang bayan at lungsod sa lalawigan ng Cavite. MHAR BASCO

Comments are closed.