BULACAN-NADAKIP sa ibat-ibang police operations ang 15 violators kabilang ang limang drug suspects na nakorner sa buy-bust operation sa apat na munisipalidad at isang siyudad sa lalawigang ito kamakalawa ng gabi.
Base sa report na isinumite kay P/Col.Lawrence Cajipe,Provincial Director ng Bulacan PNP,nakakulong ang limang drug peddlers na nasakote Station Drug Enforcement Unit(SDEU) sa mga bayan ng San Rafael,Bulakan,San Miguel,Bustos at San Jose del Monte City
Nakarekober ang awtoridad ng kabuuang pitong pakete ng shabu,apat na pakete ng damo at buy-bust money sa drug suspects makaraang sumailalim sa surveillance at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.
Samantala,tatlong wanted person ang nadakip naman sa magkakahiwalay na lugar sa Meycauayan City,San Miguel,Pulilan at katuwang nila ang Bulacan Criminal Investigation and Detection Group(CIDG) sa bisa ng warrant of arrest dahil sa mga kasong Estafa at Theft.
Tatlo katao rin ang nadakip sa isinagawang police response na nakilalang sina Eric John Paguia,30-anyos,security guard na inaresto sa San Jose del Monte City sa kasong Reckless imprudence resulting in serious Physical Injuries;Dennis Eugenio,35-anyos, inaresto ng Malolos City police sa kasong theft at Vlademir Maningas,26-anyos, arestado sa kasong Qualified Theft sa Sta.Maria.
At apat katao pa ang nadakip sa bayan ng Pandi at Bulakan,Bulacan dahil sa paglabag sa curfew at hindi pagsusuot ng face mask na pawang nakapiit ngayon sa himpilan ng pulisya. MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.