15 LGUs GINAWARAN NG 2022 GAWAD KALASAG

LAGUNA- LABINLIMANG local government units (LGUs) ng lalawigang ito ang umani ng 2022 Gawad Kalasag (Kalamidad at Sakuna Labanan Sariling Galing ang kaligtasan) Seal na iginawad nitong Lunes ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon sa Department of the interior ang Local Government (DILG), ang award ay bilang pagkilala sa ipinakitang kahandaan, kaayusan at kapabilidad ng mga LGU’s sa tuwing may mga sakuna at pang- kalikasan insidente na nagaganap.

Ang mga bayan na natugunan ang criteria para maging Gawad Kalasag ay ang.mga sumusunod; San Pedro, Binan, Santa Rosa at Calamba mula sa unang distrito; Los Banos at Bay mula sa ikalawang distrito; Calauan, Nagcarlan, San Pablo at Alaminos mula sa ikatlong distrito at Mabitac, Luisiana mula naman sa ika-apat na distrito.

May dalawang kategorya ng award ang ibinigay ng DILG sa Beyond Compliant sa mga LGU na nahigitan ang pagsunod sa mga pamantayan na may kinalaman sa pagtatatag at pagpapatakbo ng kani- kanilang Local DR councils at offices.

Ang Fully Compliant naman ay mga LGU na sinunod ang pangkalahatang pamantayan ng DILG.
Ang lahat ng pamantayan ay itinakda sa ilalim ng R.A 10121 Sec.11 at 12 , kung saan nakasaad ang pag- organisa ng provincial, City at Municipal MDRRMC, ayon sa batas.

Ayon pa sa DILG , ang mga napiling LGUs ay walang ipinakitang kahinaan at mabagal na pagkilos sa oras ng kalamidad. ARMAN CAMBE