15 MIYEMBRO NG LMB AT 2 DATING MIYEMBRO NG AMGL-KMP SUMUKO

guimba

PAMPANGA – PATULOY ang tagumpay ng kampanya ng Police Regional Office 3 at RTF-ELCAC laban sa insurgency matapos na boluntaryong iurong ng 15 miyembro ng Liga ng Manggagawang Bukid (LMB) ang kanilang suporta sa Alyansang Magbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL), isang grupo sa ilalim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) nitong Lunes, Disyembre 9 bandang 11:00 ng umaga sa Barangay Bunol, Guimba, Nueva Ecija.

Sa tulong ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) at iba pang katuwang na ahensya matagumpay na isinagawa ang isang na operasyon na nagresulta sa boluntaryong pagtalikod ng mga miyembro sa nasabing organisasyon.

Samantala, sumuko si alias Matwa, dating myembro ng Alyansang Magbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL-KMP)  bandang 2:00 PM,  sa mga tauhan ng Pampanga 2nd PMFC sa Brgy San Pablo, Sta Ana, Pampanga. Isinuko rin niya ang isang (1) rifle grenade bilang tanda ng kanyang pagtalikod sa nasabing grupo.

Kasunod nito, isa pang dating myembro ng Alyansang Magbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL-KMP) na nakilalang si alias “Lei” ang boluntaryong sumuko sa mga tauhan ng Pampanga 1st PMFC dakong 3:45 PM, sa Barangay Consuelo, Macabebe, Pampanga. Kasabay ng kanyang pagsuko ay ang pagbibigay nya ng  isang (1) pirasong 40mm explosive ammunition.

Pinuri ni PRO3 Director, PBrig Gen Redric Maranan, ang mga nasabing pagsuko.

“Ang mga boluntaryong pagbabalik-loob na ito ay patunay ng tagumpay ng ating pinagsamang pagsisikap na tuldukan ang insurgency. Patuloy nating susuportahan ang mga nais magbagong-buhay at muling maging bahagi ng ating lipunan. Ang PRO3 ay mananatiling nakatuon sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa ating rehiyon,” ani Maranan.

EUNICE CELARIO