EASTERN VISAYAS- INIHAYAG ng Bureau of Fire protection (BFP) na may kabuuang 15 munisipalidad sa Eastern Visayas ang walang sariling istasyon ng bumbero na naglalagay sa panganib ang buhay at ari-arian ng kanilang mga residente, ibinunyag ng isang opisyal ng Bureau of Fire and Protection (BFP).
Sinabi ni Senior Supt. Randy Mendaros, assistant regional director ng BFP, 12 sa mga lugar na ito ay island municipalities.
Ito ay ang Maripipi sa lalawigan ng Biliran; Almagro, Daram, Sto. Niño, Tagapul-an, Talalora, at Zumarraga, pawang nasa lalawigan ng Samar; at Biri, Lapinig, Rosario, San Vicente at Victoria North Samar.
Ang iba pang mga bayan na walang mga istasyon ng pamatay sunog at kagamitan sa sunog ay ang Llorente, General MacArthur, at Mercedes, pawang nasa Eastern Samar.
Ang Eastern Visayas ay mayroong 136 na munisipalidad at pitong lungsod sa mga lalawigan ng Leyte, Southern Leyte, Biliran, Northern Samar, Samar at Eastern Samar.
Ang 15 nabanggit na munisipalidad ay wlang sariling bumbero kung walang lote na dapat na donasyon ng mga lokal na pamahalaan kung saan ito ay maaring tayuan ng mga istasyon ng bumbero. pahayag ni Mendaros.
Ayon pa kay Medaros, nakasanayan na ng BFP na magtayo ng istasyon ng bumbero at magbigay ng mga kagamitan sa isang properly na donasyon ng losal government Unit (LGU).
May mga LGU na handang magdonate ng mga lote ngunit sa isang pagkakataon , ang isang ari-arian ay tinanggihan ng BFP dahil ito ay matatagpuan sa isang hazard-prone area, dagdag ni Mendaros.
Sa kawalan ng istasyon ng bumbero sa 15 bayang ito, ang pinakamalapit na ang istasyon ng bumbero ay dapat tumulong sa pag-apula ng apoy sakaling magkaroon ng sunog sa isa sa mga munisipalidad, kung sakaling magkaroon ng sunog. sa layo ng istasyon ng bumbero hindi bababa sa 30 minuto bago makarating ang mga bumbero sa lugar ng sunog. ani Mendaros.
Bukod sa kakulangan ng mga istasyon ng bumbero, sinabi nito na mayroon lamang 248 na firetrucks sa buong rehiyon, 27 dito ay hindi nagagamit o under maintenance, habang ang 168 sa 769 na fire hydrant sa buong rehiyon ang hindi gumagana. pagtatapos ni Mendaros.
EVELYN GARCIA