LAGUNA- LABINLIMANG regular members ng New People’s Army ang boluntaryong sumuko sa pinagsanib puwersa ng Regional Mobile Force4A, Philippine National Police, Philippine Air Force at Phiillipine Army 2nd Infantry Brigade sa Lemery, Batangas at lalawigang ito.
Sa report na tinanggap ni BGen. Carlito Gaces, Calabarzon Police director, unang sumuko ang mag- asawang Apolinar at Levie Rosales kasama ang tatlong anak na pawang mga miyembro ng Sangay ng Partidong Lokal( SPL).
Sumunod na rin na sumuko, ayon kay Gaces sina April Joy Razo alias “Amil”; Crisostomo Sierra alias”Cris”; Marilyn Sierra alias” Marilyn”; Jess Arroyo alias” Jess”; Benjamin Besas alias” Jamen”; Edrian alias “ jumong”; Mateo Villanueva alias “ Ronel”; Isidro Hernandez alias “Dayo”; Leoncio Mangubat alias” Leo”; Eugenia Caraan alias”Hena”; Gilbert Caraan alias”Gilbert”; Loreto Cacao alias” Koring”; at Eleonor Medina alias”Nonie”.
Sinabi ni Gaces na sasailalim sa tinatawag na debriefing ang mga nagbalik loob na mga rebelde kung saan pagkakalooban din ang mga ito ng full livelihood program para makapagsimula ng maayos, tahimik at maunlad na buhay.
Pansamantala silang binigyan ng pinansiyal na tulong ng gobyerno at matitirhan para sa kani- kanilang mga pamilya. ARMAN CAMBE