KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may 15 overseas Filipino workers (OFWs) ang panibagong tinamaan ng COVID-19.
Gayundin, naitala rin ng DFA ang dalawang pasyenteng gumaling sa naturang sakit habang umabot naman sa 7 katao ang panibagong nasawi dahil sa COVID-19 sa Asia Pacific at middle East.
Sa ulat ng DFA, Middle East ang nananatiling rehiyon sa pinakamaraming bilang ng mga kababayan nating Pinoy sa ibang bansa ang tinamaan ng COVID-19 kung saan umabot na sa 6,429 ang bilang nito.
Pumangalawa ang Europa na may 1,053 kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso sumunod ang Asia Pacific na may 688 bilang ng mga tinamaan ng virus habang nasa 699 naman sa America.
Sa ngayon ay tumaas na sa 8,869 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 64 na mga bansa kasama na sa nasabing bilang ang 2,975 na patuloy na ginagamot sa mga hospital.
Samantala, nakapagtala rin ang DFA ng 5,276 na pasyenteng gumaling sa naturang sakit habang nasa 618 Pinoy sa abroad ang nasawi dahil sa COVID-19. LIZA SORIANO
Comments are closed.