15 PANABONG NINAKAW

panabong

ISABELA – NAGKAKAHALAGA ng kabuuang P125,000 ang 15 manok na ninakaw sa Barangay Bagong Sikat, San Mateo.

Sa nakuhang impor­mas­yon ng PILI­PINO  Mirror kay Ginoong Arthur Jacob nagmamay-ari ng farm sa nabanggit na baran-gay, na siya rin ang nagmamay-ari ng mga nawawalang panabong.

Nawala sa kanilang farm ang mga manok at hindi pa mabatid kung sino ang nagnakaw sa kanyang mga alaga na ninakaw noong Hulyo 5.

Patuloy naman ang  pagsisiyasat ng mga tauhan ni Chief Insp. Richard Gatan, hepe ng San Mateo Police Station sa naganap na pagnanakaw.     IRENE GONZALES

Comments are closed.