15 PATAY DULOT NG MATINDING PAG-ULAN

BICOL – UMAABOT na sa 15 ang binawian ng buhay dulot ng masamang panahon sa lalawigang ito.

Ayon kay Office of Civil Defense Bicol spokesperson Gremil Naz, base sa pinakahuling datos nadagdagan pa ang bilang ng mga namatay matapos marekober na ang katawan ng nawawalang indibidwal sa Matnog, Sorsogon.

Habang patuloy pa rin ang search and retrieval operation sa dalawang mangingisda sa Pandan, Catanduanes na nawala matapos maglayag noong Enero 24 sa bahagi ng Pacific Ocean.

Ang naturang mga mangingisda ay ang nagmamay-ari ng bangka na nakuha sa bayan ng Caramoan, Camarines Sur.

Samantala, umabot na sa mahigit P300 milyon ang pinsala sa sektor ng agrikultura, irigasyon, imprastraktura at educational buildings sa buong rehiyon.

Sa naturang bilang ang may pinakamalaking epekto nito ay ang lalawigan ng Camarines Sur.

Nakapagtala naman ang tanggapan ng 260 na mga pagbaha, 38 landsides at 40 mga kabayahan na nasira. EVELYN GARCIA