15 PINOY SAILORS INABANDONA SA INDIA

Ma Teresita Daza

PASAY CITY – INANUNSIYO ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakauwi na ang 15 sa 21 Filipino seafarers na inabandona ng kanilang Greek employers at na-istranded sa India noon pang Hunyo.

Batay sa record ng DFA, noong Sabado ay nakauwi na ang mga apektadong seaman.

Ipinaalam ni Ambassador to India Ma. Teresita Daza sa DFA Home Office sa Manila na ang anim na naiwan na crew members  ng MV Evangelia M ay pauuwiin sakaling makakuha na ang mga ito ng exit clearances.

“The Embassy in New Delhi and the Consulate General in Chennai worked closely with Indian port authorities and the Admiral Shipping Agency, the local agent in India, for the resolution of the case,” ayon sa DFA.

Nakipag-ugnayan din ang DFA sa manning agency na Evic Human Resource Management Inc. para makuha ng mga seaman ang kanilang suweldo at inalalayan din para sa legal assistance.

Habang nasa India, ang mga Filipino seafarer ay naroon lamang sa Kaki­nada Port at tinulungan ito ng Philippine embassy.     AIMEE ANOC

Comments are closed.