UMAABOT na ngayon sa 15 ang Basilica Minore sa Filipinas.
Ito’y matapos na dalawang simbahan pa sa bansa ang ginawaran ng Vatican ng estado bilang minor basilica.
Ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco, inaprubahan ng ‘Congregation for Divine Worship and the Discipline’ ng Vatican ang kanilang aplikasyon para gawing minor basilica ang National Shrine of Our Lady of Mount Carmel sa New Manila, Quezon City.
Sinabi naman ni Laoag Bishop Renato Mayuga na aprubado na rin ang petisyon ng Diocese of Laoag para gawin ding minor basilica ang St. John the Baptist Parish Church o Shrine of La Virgen de Milagrosa de Badoc sa Ilocos Norte.
Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang titulo na minor basilica ng isang simbahan ay isang pribilehiyo na ibinibigay mismo ng isang Santo Papa.
Sa Filipinas, pinakatanyag ang Minor Basilica of the Black Nazarene o ang Quiapo Church, at Minor Basilica of Santo Niño de Cebu. ANA ROSARIO HERNANDEZ