SUGATAN ang 15 katao matapos na salpukin ang isang trak na may kargang buhangin at isang L300 van sa C5-Eastwood, Quezon City, kahapon ng madaling araw, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon sa ulat, ang mga sugatang biktima ay pawang mga pasahero ng van at agad na dinala sa Quirino Memorial Medical Center.
Nangyari ang insidente dakong alas-4:30 ng madaling araw sa northbound intersection ng C5-Eastwood.
Sinabi ng MMDA na bandang alas-8 ng umaga ay madadaanan na ang na lahat lane habang patuloy ang isinasagawang clearing operations.
“MMDA enforcers at MPCG [Metro Parkway Clearing Group] on site,” ayon sa MMDA
Gayunpaman, humaba ang trapiko sa Aurora-Katipunan Flyover sa direksyong southbound.
Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pang ini-imbestigahan pa ng mga awtoridad upang tukuyin ang sanhi ng aksidente.
EVELYN GARCIA