NAGBABALA kahapon ang Department of Trade and In dustry (DTI) na maaaring pagmultahin ng hanggang P2 million ang mga seller na hindi susunod sa P26 hanggang P50 suggested retail price (SRP) para sa non-medical grade face shields.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, nakapagpakalat na ang ahensiya ng impormasyon sa SRP sa iba’t ibang dplatforms.
“Ang penalty doon — this is covered kasi by the Price Act dahil declared ng DOH (Department of Health) na basic commodity siya or essential good — P2 million ang maximum, P5,000 minimum,” wika ni Castelo.
May kaparusahan din, aniya, ito na pagkakulong ng lima hanggang 15 taon para sa profiteering.
Nilagdaan ni Health Secretary Francisco Duque III noong Lunes, ang Department Order No. 0345, na nagtatakda ng SRP, ay sumasakop lamang sa non-medical grade face shields.
Ang non-medical grade face shield ay inilarawan na may sumusunod na specifications: clear plastic o acetate material na nagkakaloob ng good visibility at fog resistance; may adjustable band para mahigpit na maikabit sa paligid ng ulo; natatakpan ang buong mukha; gawa sa matibay na materyales na madaling linisin at i-disinfect, disposable o reusable.
Samantala, ang basic shields ay may garter, foam, acetate sheet, at frame.
Gayunman, sinabi ni Castelo na ang heavy duty face shields na gawa sa iba pang materyales tulad ng acrylic cover at rubber strap ay maaaring ibenta ng P500, mas mataas sa SRP para sa basic shields.
Ang demand para sa face shield ay inaasahang tataas makaraang gawing mandatory ang pagsusuot nito pagpasok sa opisina ng mga empleyado, gayundin sa pampublikong transportasyon simula sa Sababo, Agosto 15, bilang precaution laban sa COVID-19.
Comments are closed.