150 BAHAY TUPOK, BEBOT NAMBATO NG BOMBERO KALABOSO

sunog

CEBU – ISANDAAN at limampung bahay ang naabo sa Sitio Tacan, Barangay Ibo, Lapu-Lapu City.

Sa ulat, malaki ang naging sunog na tumagal ng ilang oras at itinaas ang alarma sa Task Force Bravo.

Tinatayang nasa P400,000 halaga ng ari-arian ang nawala sa mga nasunugan.

Samantala, hinuli naman ang isang babae matapos pagbabatuhin ang mga bombero.

Ayon kay SF01 Hadji Samonte, imbestigador ng Lapu-Lapu City Fire Department, nais umano ng babae na unahing apulain ang apoy sa kanilang bahay.

Naiintindihan aniya ang nararamadaman ng babae ngunit hindi ito dahilan para saktan ang mga bombero.

Kasalukuyan namang nasa Ibo Elementary School ang mga naapektuhan ng trahedya. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.