150 BATA NABIYAYAAN NG PAMASKONG HANDOG NG PNP-SOCO

CAVITE – AABOT sa 150 batang lalaki’t babae na may edad 5 hanggang 7-anyos ang nabiyayaan ng mga laruan, kendi at tsinelas sa ginanap na simpleng gift giving at feeding program ng PNP Cavite Provincial Forensic Unit katuwang ang mga miyembro ng Cavite Press Corps.sa Barangay E. Tirona, bayan ng General Mariano Alvarez sa lalawigang ito, Linggo ng umaga.

Sinuportahan din ng lokal na pamahalaan ng General Mariano Alvarez, mga opisyal ng Barangay Tirona, at ng Gamma Epsilon Fraternity ang Pamaskong programa kaya napasaya ng PNP Provincial Forensic Unit ang mga bata maging ang kani-kanilang mga magulang.

Bukod sa mga laruan, kendi at tsinelas, my pa bonus pang feeding program sa mga kabataan, na pinakain ng masarap at apaw sa sahog na special lugaw, na pinagtulungang iluto ng mga Barangay Zone leader.

Ilan lamang ang gift giving at feeding program sa mga aktibidad na ginagawa ng Cavite Provincial Forensic Unit o mas kilala rin bilang Scene of the Crime Operatives (SOCO) bukod pa rito, may regular din silang Blood Letting Activity at Tree Planting Program sa nasabing lalawigan.

Nagpaabot ng pasasalamat ang mga magulang kina Cavite Scene of the Crime Operatives Chief Lt. Col. Oliver Dechitan; Cavite Press Corps President Rossell Calderon ng GMA News network; Brgy. Chairwoman Josephine

Binaday ng Brgy. Tirona at sa mga miyembro ng Gamma Epsilon Fraternity and Sorority.

Kaya ngayong Holiday Season, time out muna sa Scene of the Crime ang mga personnel ng Cavite PNP Provincial Forensic Unit kaya pasok muna sila bilang Scene of Christmas Operatives. MHAR BASCO