KAKAILANGANIN ng Bureau of Immigration (BI) ang 150 Immigration Officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa iba pang major airport upang matugunan ang inaasahang pagdami ng mga pasahero sa bansa.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, kukuha sila ng 147 immigration officers at 28 administrative aides, bilang karagdagang manpower, lalo na aniya, ang bansa ay patungo na sa recovery.
Dagdag pa nito, kailangan din ng kawanihan ang mga bagong opisyal.
Ang mga aplikante ay sasailalim sa ng ibat-ibang examinations upang makasiguro na makakuha ang ahensiya ng karapat dapat manilbihan sa ating mga borders, dagdag pa ni Tansingco.
FROI MORALLOS