Nasa 150 milyong bata sa buong mundo ang nananatiling “undocumented” o walang legal birth registrations.
Inihayag ito ng United Nations Children’s Fund (UNICEF).
Ayon sa pinakabagong tala, nasa 77% na ng mga batang nasa edad lima pababa ang rehistrado na simula nang maipanganak, mas mataas na bilang kumpara noong 2019. Sa kabila nito, iginiit ng UNICEF na hindi pa rin ito sapat dahil sa pagpalo ng mahigit isang milyong bilang ng undocumented children.
Ayon kay UNICEF Executive Director Catherine Russell, binanggit niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng legal records ng mga bata upang magkaroon sila ng proteksyon laban sa pang-aabuso.
“Birth registration ensures children are immediately recognized under the law, providing a foundation for protection from harm and exploitation, as well as access to essential services like vaccines, healthcare and education,” ani Russell.
Batay sa inilabas na ulat ng UNICEF sa kanilang opisyal na website, nangunguna ang Latin America sa may pinakamaraming documented children na may 95% rate, habang parehong 94% naman ang mula sa Eastern at South-Eastern Asia at 78% ang mula Central at Southern Asia.
Nasa 78% ang sub-Saharan sa Africa na may katumbas na 90 milyong mga batang walang legal documents.