150 PA GUMALING SA COVID-19 

DOH

NADAGDAGAN pa ng 150 ang bilang ng mga pasyente na gumaling na mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dahil dito, iniulat ng Department of Health (DOH) na umaabot na ngayon sa 293,152 ang total COVID-19 recoveries sa Filipinas.

Samantala, batay sa case bulletin #212 na inialabas ng DOH, nabatid na hanggang 4PM ng Oktubre 12, 2020 ay naka-pagtala pa sila ng panibagong 3,564 ang newly-confirmed cases sanhi  upang umabot na ngayon sa 342,816 ang total COVID-19 cases sa bansa.

“As of 4PM today, October 12, 2020, the Department of Health reports the total number of COVID-19 cases at 342,816, after 3,564 newly-confirmed cases were added to the list of COVID-19 patients,” anang DOH. “DOH likewise announces 150 recoveries. This brings the total number of recoveries to 293,152.”

“Note: Of the 3,564 reported cases today, 3,197 (90%) occurred within the recent 14 days (September 29 – October 12, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (1,163 or 36%), Region 4A (786 or 25%) and Region 6 (347 or 11%),” anito pa.

Sa kasalukuyan ay nasa 43,332 pa ang itinuturing ng DOH na aktibong kaso ng sakit sa bansa, at sa bilang na ito, 83.9% ang mild cases, 10.8% ang asymptomatic, 1.7% ang severe cases at 3.6% ang kritikal.

Pinakamarami pa ring naitalang kaso sa National Capital Region (NCR) na nasa 1,344; sumunod ang Cavite na may 215; Laguna na may 212; Rizal na may 211 at Iloilo na may 164.

Nakapagtala rin ang DOH ng panibagong 11 pasyente na binawian ng buhay dahil sa COVID-19, sanhi upang umabot na sa 6,332 ang COVID-19 death toll sa Pilipinas.

Sa bagong bilang ng mga nasawi, walo ang binawian ng buhay nitong Oktubre; dalawa noong Agosto; at isa noong Hulyo.

Ang mga namatay ay mula sa Region 11 (4); Region 4A (3); Region 1 (2); Region 10 (1); at CARAGA (1).

Samantala, mayroon rin namang 89 duplicates na inalis mula sa total case count at sa naturang bilang 71 ang recovered cases.

Mayroon namang dalawang unang iniulat na nakarekober sa sakit ngunit malaunan ay nadiskubreng binawian na pala ang mga ito ng buhay.

Inaasahan naman ng DOH na madaragdagan pa ang naturang bilang dahil  13 pang laboratoryo ang hindi pa nakakapag-sumite ng datos sa kanilang COVID-19 Data Repository System (CDRS) hanggang nitong Oktubre 11, 2020. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.