150 PAMILYA NASUNUGAN

sunog8

MALABON CITY – SUGATAN ang tatlo katao kabilang ang isang fire volunteer habang nasa 150 pamilya naman ang nawalan ng tirahan makaraang sumiklab ang sunog sa isang residential na mga kabahayan sa lungsod na ito kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Malabon City Fire Marshal Supt. Michael Uy, bandang alas-3 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa bahay na inookupahan ng isang Lita Quitlong sa Letre, Brgy. Tonsuya, ng lungsod hanggang sa mabilis na kumalat sa mga katabing bahay na pawang gawa sa light materials.

Napaulat na wala si Quitlong sa kanyang bahay nang sumiklab ang hindi pa matukoy na pinagmulan ng sunog.

Kaagad inakyat ng BFP ang sunog sa ikaapat na alarma at idineklarang under control dakong alas-4:57 ng madaling araw bago tuluyang naapula alas-6:02 ng umaga kung saan tinatayang nasa P1.5 milyon halaga ng ari-arian ang naabo.

Dalawang residente sa lugar ang napaulat na nagtamo ng mga sugat at 2nd degree burn sa katawan habang dumanas naman ng heat exhaustion ang isang fire volunteer. EVELYN GARCIA

Comments are closed.