150 PAMILYA NASUNUGAN SA NAVOTAS

sunog

TINATAYANG nasa 150 pamilya ang nawalan ng tahanan matapos tupukin ng apoy ang isang residential area sa Barangay Tangos, Navotas City kahapon ng umaga. Ayon sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga nang magsimula ang sunog sa isang bahay malapit sa Oliveros Street, Brgy. Tangos at mabilis na kumalat ang apoy sa kalapit na mga bahay na pawang gawa sa light materials. Makalipas ang ilang minuto, agad itinaas sa ikatlong alarma ang sunog at idineklarang fire out ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) alas-9:46 ng umaga. May mga residente namang dumaing ng hirap sa paghinga dahil sa kapal ng usok na agad namang naasistihan at wala namang napaulat na nasawi sa insidente. Personal namang nagtungo sa naturang lugar si Mayor John Rey Tiangco at Vice Mayor Clint Geronimo upang kumustahin at magbigay ng suporta at tulong na pangunahing pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng sunog tulad ng mga relief goods, malinis na tubig, banig at mga kumot. Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang pinagmulan ng apoy at ang halaga ng naging pinsala sa mga ari-arian. VICK TANES/ EVE GARCIA

Comments are closed.