PASAY CITY – IPINAHAYAG ng Deparment of Foreign Affairs (DFA) na ang Philippine Consulate General sa Shanghai ay nakikipag-unayan na sa may 150 Filipino sa Wuhan, China kung saan nagsimula ang outbreak ng coronavirus na siyang ikinamatay ng mahigit 50 katao.
“As the city is on lockdown, the Consulate has requested Filipino community leaders to provide them assistance, especially to tourists or on short-time visit,” ayon sa pahayag ng DFA.
Ayon pa sa DFA, sila ay nagsasagawa na ng monitoring sa outbreak ng corona virus sa China sa pakikipagtulungan sa Philippine Embassy at Consulates General.
Pinayuhan na rin ang lahat ng mga Filipino sa China na mag-ingat at sundin ang payo ng local health authorities kung saang lugar man sila.
Sinabi rin ng DFA na ang Philippine Consulate General sa Hong Kong ay naglabas na rin ng babala at hiniling sa lahat ng mga Filipino sa naturang lugar na makipag-cooperate sa Hong Kong government matapos na itaas ang kanilang response level sa mataas na “Emergency Response Level”.
“Filipinos who will require assistance from the Consulate may be reached through its hotline at (+852) 9155 4023,” bahagi ng anunsiyo ng DFA sa mga Filipino na nasa China.
Ang DFA’s Migrant Workers ay kasalukuyang nagsasagawa ng isang emergency meeting upang matugunan ang health emergency. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.