CHINA – PINAWI ng Shanghai Consulate ang pangamba na mayroong Filipino na nahawaan ng novel coronavirus sa Wuhan na pinakaapektado ng nasabing sakit.
Sinabi ni Ambassador Chito Sta. Romana na wala silang ulat na mayroong Filipino na nagkasakit.
“As far as we know, wala namang nagkakasakit, wala namang infected. So far so good,” ayon sa pahayag ni Sta. Romana sa isang panayam.
Bukas din aniya ang komunikasyon ng konsulado sa mga Filipino roon kaya agad maipahatid sa kinauukulan sakaling mayroong infected ng nCoV.
Isa namang Pinay na nakatira sa Wuhan ang nagpatooo na maayos ang lagay nila kahit pa mayroon ng lockdown sa lugar.
Una nang inamin ng ilang mga Filipino sa lugar na maayos ang kanilang lagay na taliwas sa mga video na napapanood at larawan na kumakalat sa online.
Kasunod ito na umabot na sa 106 katao ang nasasawi dahil sa virus. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM