1,500 ATHLETES SASABAK SA 2019 PILIPINAS PARA GAMES

IDARAOS ng Philippine Sports Commission (PSC) ang first 2019 Pilipinas Para Games sa lalawigan ng Benguet sa Mayo 9-11  kung saan may 1,500 atleta ang inaasahang lalahok.

Ayon kay PSC Oversight Commissioner for Para-Athletes Arnold Agustin, ang sporting event ang pumalit sa Differently-Abled Sports for Life (DAS4Life) program noong nakaraang taon.

“From last year’s DAS4Life program that was city-wide, this year’s Pilipinas Para Games will now have a country-wide scope that will reach more talents and promising para-athletes across the country,” wika ni Agustin.

May 13 munisipalidad sa Benguet ang sasabak sa walong sports na kinabibila­ngan ng chess, badminton, volleyball for the deaf, powerlifting, table tennis, athletics at goalball, kasama ang archery at wheelchair basketball bilang  demo sports.

“We have added more sports events in the program to encourage and cater more para-athletes in sports,” sabi pa ni Agustin.

Isang coordination meeting ang idinaos sa pagitan ng PSC at ng lokal na pamahalaan ng Benguet noong nakaraang buwan bilang paghahanda sa games, na suportado rin ng Philippine Paralympic Committee (PPC).

Comments are closed.