LUMALABAS sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) na aabot sa halos 1,500 ang tinamaan ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) noong Enero.
Dahil rin aniya sa impeksyon sa HIV, 39 na pagkamatay ang naitala sa nasabi ring buwan.
Sinabi ng DOH na ang sexual contact ay ang pinakakaraniwang paraan ng transmission na may 1,431 kaso.
Anim na indibidwal ang nagkaroon ng impeksyon sa HIV sa pamamagitan ng mother-to-child transmission at tatlong kaso sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga nahawaang karayom.
Sinabi pa ng ahensiya na ang mga rehiyon na may pinakamaraming bilang ng bagong kaso ay mula National Capital Region (397), Calabarzon (233), Central Luzon (194), Central Visayas (94), at Western Visayas (91).
“These regions comprised 69 percent of the total number of cases in this period,” ayon sa DOH .
Samantala, sa mga bata at kabataan, sa kabuuang HIV infection noong Enero, 86 kaso ay edad 19 pababa.
Sa 86, sinabi ng DOH na 79 kaso ang kabataan na edad 10 hanggang 19 habang pitong ang mga nasa edad 10 pababa.
Sa pamamagitan din ng pakikipagtalik, ang halos lahat ng 78 sa mga naiulat na kaso ng kabataan.Ang ibang kaso ay walang data sa paraan ng transmission.
Ang anim naman sa mga bata na may edad dalawa hanggang siyam ang nakakuha ng HIV sa pamamagitan ng vertical transmission o mother-to-child, habang ang isang kaso ay walang datos ng mode of transmission.
PAUL ROLDAN