MAYNILA – SIYAMNAPU’T WALONG pasyente ng coronavirus disease (COVID-19) ang nadagdag sa nakarekober mula sa nasabing sakit.
Dahil rito, umakyat na ngayon sa 1,506 ang total COVID recoveries sa bansa.
Pumalo naman sa mahigit 10,000 ang bilang ng naitalang COVID-19 case.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), umakyat na ngayon sa 10,004 ang COVID-19 cases sa Pilipinas, matapos na makapagtala pa ng 320 bagong kaso ng virus infection, sa nakalipas lamang na 24 oras.
Nabatid na ang 56% o 179 bagong kaso ay mula sa National Capital Region (NCR), habang ang 31% o 98 na kaso ay mula sa Region 7, ha-bang ang 13% o 43 na kaso ay mula sa iba pang lugar.
Samantala, mayroon namang 21 pasyente na naiulat na nasawi mula sa virus sanhi upang umakyat na ngayon sa 658 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.