NASA 1,509 ang panibagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Filipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Miyerkoles, Oktubre 21, umabot na sa 362,243 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 43,990 ang aktibong kaso.
83.0 porsiyento sa active COVID-19 cases ang mild; 11.6 porsiyento ang asymptomatic; 2.0 porsiyento ang severe habang 3.4 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 60 naman ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 6,747 ang COVID-19 related deaths sa bansa.habang 911 naman ang gumaling pa.
Sa kabuuan ay umakyat na sa 311,506 ang recoveries ng COVID-19 sa Fiilipinas.
Comments are closed.