ITINURING na malakas ang kumpiyansa ng nga mamumuhunan sa bansa sa kanilang pagnenegosyo at ito ay napatunayan sa pagpapasinaya sa P150B Expanded JG Summit Petrochemical Manufacturing Complex sa Batangas.
“This is a manifestation of business confidence and that the administration’s investment promotion policies are working,” pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Pinasalamatan din ng Pangulo ang kompanya sa oportunidad na ibinibigay nito sa working sector.
“I thank you for this opportunity to personally validate if the policies that we have instituted to do, in fact, spur investments do work on the ground,” wika ni Pangulong Marcos nang pasinayaan ag JG Summit Petrochemical Complex sa Barangay Simlong, Batangas City.
Patunay rin, aniya, ito na nasusubok ang kakayahan ng mga manggagawang Pinoy, business confidence, kakayahan ng pagsulong ng manufacturing resurgence, at ang pagkilala sa mga pananaw ni Filipino industrialist John Gokongwei.
Inaasahan din na mapalalakas ng P150 billion ang enterprises, supplies and many other manufacturing requirements.
Sa susunod na taon ay maaaring makapagbigay ng trabaho sa 6,200 individuals at isang major contributor sa industry na magpapaunlad sa bansa ng hanggang P215 billion sa susunod na taon.
EVELYN QUIROZ