GINANAP sa Provincial Capitol Compound sa Isulan, Sultan Kudarat ang pinakamalaking Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na pagpapakita ng dedikasyon nito na mailapit sa publiko ang serbisyo ng gobyerno.
Dala ng iba’t ibang ahensya sa BPSF ang may P1.2 bilyong halaga ng cash assistance at programa na para sa may 150,000 benepisyaryo na pinangunahan ni House Speaket Ferdinand Martin G. Romualdez bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Marcos na sinimulan kahapon at magtatagal ngayong araw.
Dumalo rin sa event si Special Assistant to the President, Secretary Antonio Lagdameo, Jr.
“Ito po ay hindi lamang katuparan ng pangako ng pagkakaisa, kundi isa pang dagdag-patunay na malapit ang Mindanao sa puso at isipan ng inyong mga pinuno,” ani Speaker Romualdez.
Sina Sultan Kudarat Gov. Pax Ali Mangudadatu at Rep. Princess Rihan M. Sakaluran ang nag-host sa event na inorganisa ng BPSF National Secretariat.
“The Serbisyo Caravan in Sultan Kudarat is the second one this month alone. So nakikita natin na talagang pinapaigting ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. ang paghahatid ng serbisyo diretso sa mamamayan.,” ani Romualdez .
Pinaliwanag din ng House Speaker kung bakit ito pinakamalaki, at ito halos 50 members ng Kamara ang dumalo sa nasabing service fair na nagpapakita ng solidarity o pagkakaisa ng mga mambabatas mula Mindanao at national government.
Nagpasalamat si Gov. Mangudadatu kay Pangulong Marcos at Romualdez sa paglapit ng mga ito ng serbisyo ng gobyerno sa kanyang mga kababayan.
Ipinahayag din ng gobernador ang kanyang pagtutol sa panukala na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.
Dumalo rin sa event sina Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, Jr. at 4Ps Partylist Rep.
Ang Sultan Kudarat leg ng BPSF ang ika12 Serbisyo Fair na inilunsad noong nakaraang taon. Lumalahok dito ang 55 ahensya ng gobyerno dala ang 329 programa, proyekto, at serbisyo.
Ito ang kauna-unahang BPSF sa Region 12 (SOCCSKSARGEN).
Nagkakahalaga ng P200 milyon ang cash assistance na dala ng iba’t ibang ahensya sa Sultan Kudarat. Kasama rito ang payout para sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa ilalim ng AICS ay 75,000 ang bibigyan ng tulong ng DSWD mula sa iba’t ibang munisipyo.
Pinangunahan din ni Romualdez ang pamimigay ng 30,000 sako ng tig- 10-kilong bigas o kabuuang 300,000 kilo sa mga piling benepisyaryo.
Kasama sa dalang serbisyo ng PPSF ay ang: TESDA scholarships at mga application para sa LTO, mga kinukuhanjg clearance sa NBI, PNP, certificates sa PSA,
Educational assistance, Pag-ibig membership and housing loan, SSS membership application,GSIS UMID application at PhilHealth registration.
Nagkaroon din ng Pagkakaisa Concert kagabi.